The Filipino Dream

LOWEST FOODCART FRANCHISE:
FOR INQUIRIES CONTACT:
0928-9921661/0923-6006980

Monday, November 15, 2010

Pera sa Kalsada

Narito ang isang maliit na negosyong bagay sa mga kabataan at negosyante. Magugustuhan nila ito dahil hindi ito negosyong nakakulong sa opisina o bahay.
Ito ang foodcart business na makikita sa mga kalsada, sa labas ng mga mall o sa labas ng mga establisiyemento na maraming tao. Maaari ito sa mga out-of-school youth, sa mga walang trabaho at kahit sa may mga trabaho na naiiinip sa kanilang pagiging empleyado.
Kung seryoso kayong pasukin ang vey profitable food business nang pangmatagalan, the best ang food cart business at pinakamaliit ang maaaring matalo sa inyo kung sakaling hindi kayo magtagumpay.
Maaari ninyong simulan ang negosyo sa isang simple ngunit heavy duty na cart na maaaring magkahalaga mula sa P21,888 hanggang P50,000 depende sa choice ng foodcart na inyong pipiliin.
Maaaring magsosyo ang magsyota, magkapatid o magkaibigan. Mas maganda kung may kasosyo kayo para hindi kayo mainip at para may katulong kayo sakaling matapat kayo sa isang lugar na maraming bumibili.
Hindi naman problema ang mga kasangkapan dahil kasama na ito sa cart na inyong binili. Maaari kayong pumuwesto kahit paisa-isang oras lang sa harap ng mga eskuwelahan , sa mga high school at college kung saan tiyak na makahahanap kayo ng mga suki.
Tiyak na may nagtitinda na roon pero kung iba naman ang inyong mga itinitinda, hindi imposibleng pagkaguluhan kayo ng mga driver na naghihintay ng pasahero.
Maliit lang naman ang puhunan dito pero kung tatlo o apar, mas magiging maliit pa ang puhunan para rito. Maging masipag lang kayo ay maaaring mapalago ang business na ito. Sino ang makapagsasabi na baka pagkaraan nang anim na buwan ay kailangan na ninyong magbukas ng isa pang food cart.
Ang makamamahal lang ng kaunti sa pagkuha ng franchise ay ang puwesto. Tiyak na maganda ang inyong mapupuwestuhan dahil kailangan pang iapprove ng management ng food cart company ang mapipili ninyong puwesto. Gusto rin kasi nilang maging SUCCESSFUL kayo dahil sa kanila rin ang balik niyon.
So, ano pa ang hinihintay ninyo, humanap na kayo ng kasosyo at puhunan and START your food cart business now!!!

Halaw mula sa:
Rising Star
Magnegosyo Tayo

No comments:

Post a Comment